DOLE starter kits ipinamahagi sa mga nais magnegosyo sa Masbate


LUNGSOD NG MASBATE, Hunyo 12 (PIA) – Namahagi ng Kabuhayan Starter Kit sa iba’t-ibang bayan sa Masbate ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang matulungan ang mga manggagawa na bumuo ng sariling negosyo sa pamamagitan ng “income-generating livelihood activities.”

Sa bayan ng Palanas, halagang P4.2 milyon ang Kabuhayan Starter Kits na ipinagkaloob ng DOLE sa 219 na kuwalipikadong manggagawa.

 Mismong sa kapistahan ng Palanas tinanggap ni Mayor Rudy Alvarez ang nasabing tulong para sa kanyang mga kababayang manggagawa.

 Sa bayan naman ng Aroroy, umabot sa P2.27 milyong ang halaga ng Kabuhayan Starter Kits na ipinamahagi ng DOLE sa 120 benepisaryo.

 

Tinanggap ng mga kinatawan ng Public Employment Service Office ng Aroroy na sina Banjo Tuason at Samson Bulalague ang naturang kits.

Sa bayan ng Placer, halagang P4.06 milyon ang natanggap mula sa DOLE ni Mayor Nilo Du para sa kanyang 207 na kababayang manggagawa. (PIA5/Masbate)

Source: PIA Feed

READ:  DOLE-10 turns over P750k projects to MisOcc