‘Expanded newborn care package’ ng PhilHealth, epektibo na


Tinatalakay ni Marian Carlos, information officer ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) – Palawan ang pagpapatupad ng ‘Expanded Newborn Care Package’ sa isinagawang ‘Kapihan sa Philippine Information Agency (PIA)’. (Larawang kuha ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 11 (PIA) — Sisimulan nang ipatupad ng Philippine Health Corporation (PhilHealth)-Palawan sa unang linggo ng Enero ang Expanded Newborn Care Package na inilunsad kamakailan.

Sa ‘Kapihan sa Philippine Information Agency (PIA)’, kinumpirma ni Marian Carlos, tagapagsalita ng PhilHealth sa lalawigan na maaari na itong ipatupad sa mga pasilidad pangkalusugan ng ahensiya.

“Na-publish na po ito last December 21, 2018, 15 days po after ma-publish, implemented na po ito, so we are hoping na effective na ito sa mga accredited health facilities ng PhilHealth,” aniya.

Sa expanded newborn care package, tataas ng 2,950 ang benepisyong sasagutin ng PhilHealth para sa mga sanggol mula sa dating P1,750 na nakapaloob sa programa.

“Nadagdag po dito ang new born hearing screening test, sa old newborn package natin, professional fee, essential new born care at screening test lang ang na-a-avail ng baby, sa enhanced nadagdag ang new born screening test kaya tumaas din ang amount, “paliwanag ni Carlos.

READ:  MOA signed for hosting 14th SEA youth athletics, nat'l open games

Samantala, sa ngayon, mayroong 26 na mga ospital at 23 mga Rural Health Unit (RHU) sa buong lalawigan na maaari nang mag-renew ng kanilang akreditasyon sa PhilHealth. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Source: PIA Feed