P2C Market Program, muling gaganapin sa Makati


(My Makati graphic)  

LUNGSOD MAKATI, Oktubre 8 (PIA) — Magandang balita para sa mga mamimili! Magkakaroon muli ng Producer-2-Consumer (P2C) Market Program “Bigas na Mura Para sa Masa” sa Lungsod Makati, simula Oktubre 9-11, 2018.

Maaaring bumili ng abot-kayang bigas sa halagang P27 kada kilo. Paalalala ng pamahalaang lungsod na hanggang limang kilo lamang ang laan kada tao.

Magsisimula ang bentahan sa ganap na 8:00AM, at magtatapos hanggang maubos ang 100 sako ng bigas na inilaan ng NFA para sa mga sumusunod na barangay:

Oktubre 9      –           Open Court, Brgy. West Rembo

Oktubre 10    –           Open Court, Mayor cor Ben Harrison Streets, Brgy. Pio del Pilar

Oktubre 11     –           Covered Court, Brgy. Rizal

Paalala rin sa mga mamimili na magdala ng sariling ecobag. (PIA-NCR)

 

Source: PIA Feed

READ:  PRC, DFA bring mobile services to Catanduanes