Pagbebenta ng second hand cellphones, ipinagbawal sa Maynila


Punong lungsod ng Maynila, Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, mahigpit na ipinagbawal ang bentahan ng secondhand na cellphone sa lungsod. (Larawan kuha ng Manila PIO)

MAYNILA, Okt. 7 (PIA) – Mahigpit na ipinagbawal ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagbebenta ng second hand cellphones sa lungsod ng Maynila.

Ginawa ni Domagoso ang pahayag sa isang press conference na ginanap Lunes, Oktubre 7.

Ayon sa mayor, ang mga establisyimento na matutuklasang nagbebenta pa rin ng secondhand na cellphone ay maaring maipasara.

Kailan lamang, nagsagawa ng raid ang mga otoridad  sa isang mall sa Recto bunsod ng mga reklamo ukol pagbebenta ng mga umano’y nakaw na cellphones sa mga kiosks na matatagpuan sa loob ng mall.

Binalaan din ni Domagoso Moreno na maaring ipasara ang nasabing mall sa sandaling matuklasan na nagkukubli ng mga vendor na nagbebenta ng nakaw na cellphone. (PIA-NCR/Manila PIO)

Source: PIA Feed

READ:  Tagalog News: Makabagong paraan ng pagpupunla sa binhing Hybrid, ipinakilala ng DOST