Pagunita nang Araw ng Kasarinlan sa Naga gaganapin sa Plaza Quince Martires

LUNGSOD NG NAGA, Hunyo 11 (PIA) – – – Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-120 Araw ng Kasarinlan, papangunahan ng lungsod ang Flag at Wreath -Laying Ceremony sa Plaza Quince Martires alas 7:45 bukas ng umaga.

 Kaugnay ng naturang pagdiriwang ay nagbigay ng abiso sa publiko ang City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO) ng Lokal na Pamahalaan ng Naga na nagpaalala sa publiko na magkakaroon ng pansamantalang pagsasara ng ilang kalye sa paligid ng Plaza Quince Martires.

 Kabilang sa mga kalyeng pansamantalang sasarahan sa trapiko ay ang Peñafrancia Avenue, Elias Angeles Street, P. Burgos at Arana Streets simula alas 6 hanggang alas 9 ng umaga sa Hunyo 12.

 Samantala, ibat-ibang aktibidad naman ang magaganap ng pagdiriwang ng ika-70th Naga City Platinum Charter Anniversary ngayong taon.

 Pagkatapos ng Independence Day Celebration, magkakaroon naman ng State of Our City Report si Naga City Mayor John G. Bongat sa Myerkules, Hunyo 13. Ito ay gaganapin sa Naga City People’s Hall, alas 9 ng umaga, kasunod ang Top Taxpayers Awards para sa taon 2017 at ang Employees Service Awards.

READ:  City fire damage reaches P1.4M

 Ang pagdiriwang ng City Charter Day ay sinimulan pa noong Mayo 26 sa pagkakaroon ng Brigada Eskwela hanggang sa Hunyo 19 na kaarawan naman ni Gat. Jose Rizal. (LSM,dabad-PIA5/Camarines Sur)

 

 

 

Source: PIA Feed