Tagalog News: 2019 Fisheries Scholarship Program ng BFAR bukas na sa mga HS graduate

LUNGSOD NG NAGA, Sept. 19 (PIA) — Bukas na sa mga high school graduates o mga graduating students  sa Grade 12 ang 2019 Fisheries Scholarship Program-Fisheries Children Competitive Exam at Fisheries Industry Leaders Grant Competitive Examination ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)  para sa Enero  12, 2019.

Ang application forms ay puwede ng makuha sa BFAR Regional Office na matatagpuan sa Barangay Fabrica, Bula, Camarines Sur o kaya sa mga BFAR Provincial Offices. Maari di mag download ng forms sa www.bfar.gov.ph at isumite sa regional at provincial offices ng ahensiya.

Ang huling araw sa pagbigay ng application form ay sa darating na Nobyembre 12 kasama ang mga hinihinging rekisito. Halos 20 scholarship slots ang ibibigay sa mga nakapasang estudyante na anak ng mangingisda at 3 slots naman na pumasa na naging top 10 ng graduating class .

Ayon kay BFAR5 Fisheries Scholarship Coordinator na si Sarah Flora Balares puwedeng mag-enroll ang 23 BFAR5 Scholars para sa school year 2019-2020  sa  Bicol University Tabaco Campus, Tabaco City, Albay ; Camarines Norte State College – Mercedes Campus, Mercedes, Camarines Norte ;  Partido State University Sagñay Campus ; Sorsogon State College – Magallanes Campus ; Central Luzon State University, Science City of Munoz, Nueva Ecija at Cebu Technological University Carmen Campus, Carmen, Cebu.

READ:  Bunawan food producers learn food safety concepts, good manufacturing practices

Para sa iba pang detalye, maaring tumawag kay BFAR5 Fisheries Scholarship Coordinator Balares sa numerong 0908319700 o kaya sa magbigay mensahe sa kanyang Facebook Account. (dabad-PIA5/Camarines Sur)

Source: PIA Feed