Tagalog news: Baybayin ng Puerto Princesa , Honda Bay, ligtas na sa red tide


 

Makikita sa larawan ang bahagi ng Honda Bay, sa Puerto Princesa City.  (PPCID)
Makikita sa larawan ang bahagi ng Honda Bay, sa Puerto Princesa City.  (PPCID)

 

PUERTO PRINCESA, Palawan, Sityembre 26 (PIA) — Makaraan ang ilang buwang pagiging positibo sa red tide, ligtas na ngayon sa lason ang Puerto Princesa  Bay na nasasakupan ng mula sa baybayin ng Barangay Bancao-Bancao hanggang Mangingisda, at ang Honda Bay, mula Canigaran hanggang Barangay Langogan.

Ito ay base sa resulta ng ginawang pagsubaybay ng Bureau of Fisheries and aquatic Resources (BFAR) at lokal na pamahalaan sa mga sample ng molusko na nakolekta mula sa lugar.

Ayon sa shellfish advisory number 25 na ipinalabas ng BFAR noong ina-25 ng Sityembre, nag-negatibo ito sa paralytic shellfish poison sa loob ng tatlong magkakasunod na linggo pagsasagawa ng sampling sa mga baybayin.

Bunsod nito, ligtas na ang publiko sa pagkunsumo ng shellfish na nagmumula sa nabanggit na mga baybayin at maaari na ring mangolekta nito upang ibenta sa mga pamilihan.

Matatandaan na ika-20 ng Marso nang mag positibo sa nakalalasong red tide ang Honda Bay habang Hunyo 25 naman nang ipagbawal ang pangunguha at pagkain ng shellfish mula sa Puerto Princesa Bay. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

READ:  DepEd, private partner uplift learners’ lives through ALS

 

 

Source: PIA Feed