Tagalog News: BJMP Naga, nagbukas ng oportunidad sa mga PDL


 

Lampshades made by the Persons Deprived of Liberty (PDL) of the Naga City District Jail are displayed inside the compound of Barangay Del Rosario, Naga City. The said product  is part of the Livelihood Program initiated by the Inmates Welfare Development (IWD) of the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) in Naga City District Office . In photo are Inmates Welfare Development (IWD) Officer JO1 Glen Climaco (right) and Paralegal JO3 Robert Nanale (left). (dabad-PIA5/Camarines Sur)

LUNGSOD NG NAGA, Sept.27 (PIA) – Abala ang mga residente o Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)- Naga City District Jail sa paggawa ng mga livelihood products na siyang magbibigay sa kanila ng pag-asa sa buhay.

Ayon kay BJMP-Naga City District Jail Inmates Welfare Development (IWD) JO1 Glen Climaco, binibigyan nila ng pagkakataon ang mga bilanggo o PDL na magkaroon ng pagkakaabalahan sa buhay sa pamagitan ng paggawa ng mga livelihood products na puwedeng ibenta sa labas.

Sinabi ni Climaco, na ang kanilang ahensiya ay may programang pangkabuhayan para sa mga inmates upang magkaroon sila ng maliit na income habang nasa loob ng bilangguan.

Kabilang sa mga livelihood products na ginagawa ng mga ito ay ang mga lampshades, pintuan, painting at iba pang produkto na puwedeng pagkakitaan.  Ang mga materyales sa paggawa ay binibili ng ahensiya. May mga kustomers ng kumukuha para i-display ang mga ito sa mga trade fairs.

READ:  Isabela students join national quake drill

Kaunti lamang ang kinikita ng mga nagtratrabahong PDL ngunit ang importante ay mayroon silang pinagkakaabalahan sa buhay at natututo sila ng trabaho kung sakaling makalaya na sila. (dabad-PIA5/Camarines Sur)

 

Source: PIA Feed