Tagalog News: Bong Go, panauhing pandangal sa Bulacan State U graduation


 

SiSpecial Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go ang nagsilbing panauhing pandangal sa 2018 Midyear Commencement Exercises ng Bulacan State University o BulSU. (Shane F. Velasco/PIA 3)

 

LUNGSOD NG MALOLOS, Okt 10 (PIA) — Si Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go ang nagsilbing panauhing pandangal sa 2018 Midyear Commencement Exercises ng Bulacan State University o BulSU.
 
Sa kanyang talumpati, ibinalita niya na ang BulsU ang unang nakinabang sa isinabatas na free education sa lahat ng mga state colleges at universities sa bansa.
 
Ani Go, mahalaga ang papel ng edukasyon sa mga kabataan kaya binigyan prayoridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsasabatas ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
 
Ipinaalala pa ni Go sa mga nagsipagtapos ang maigitng na kampanya ni Pangulong Duterte laban sa illegal na droga, korapsyon at kriminalidad.
 
Sinabi pa nya na ang paglahok ng mga graduates sa kampanyang ito ay nag-aambag sa katahimikan at kaayusan ng komunidad.
 
Sa huli pinayuhan niya ang mga nagsipagtapos na maging makabuluhang indibiduwal para sa pagpapaunlad ng bansa. (CLJD/VFC-PIA 3)

READ:  EDC’s ‘10M in 10’ partners to plant trees in Manjuyod town

Source: PIA Feed