Tagalog News: Bulacan, host ng Ikalimang Regional Kab-o-ree


 

Si Bulacan Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado. (Mar Jay S. Delas Alas/PIA 3 File Photo)

LUNGSOD NG MALOLOS, Okt 26 (PIA) — May tatlong libong batang scouters ang lalahok ngayong linggo sa idaraos na Ikalimang Regional Kab-o-ree sa Fortunato F. Halili National Agricultural School sa bayan ng Santa Maria.
 
Inorganisa ng Boy Scout of the Philippines-Bulacan Council katuwang ang pamahalang panlalawigan, kabilang sa mga tampok na aktibidad ang knot tying; scout law relay at bandaging; Conquer Halili; outdoor exploration; uncovering nature; team building; at scout advancement.
 
Magkakaroon din ng Camp Chief’s Night kung saan may film showing, That’s My Kab Scout at ang Grand Camp Fire kung saan paglalabanan ang may pinakamahusay na yell at song, may cultural show at fireworks display.
 
Sa isang pahayag, sinabi ni Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado na  mahalagang maitanim na sa mga kabataan ang mga kaya nilang gawin para sa bansa sa panahong ito ng kamusmusan dahil ito’y magiging kapaki-pakinabang sa hinaharap sapagkat dadalhin nila ang mga aral na kanilang natutunan hanggang sa kanilang pagtanda. (CLJD/VFC-PIA 3)

READ:  CDRRMO organizes first DRR Press Corps in Sorsogon

Source: PIA Feed