Tagalog News: Buwan ng Kooperatiba, ipinagdiriwang sa Tarlac


 

 
Isang tree planting and tree parenting activity sa barangay Banaoang West sa bayan ng Moncada ang naging simulaing aktibidad ng selebrasyon ng Cooperative Month sa Tarlac. (Provincial Cooperative and Enterprise Development Office)

LUNGSOD NG TARLAC, Okt 11 (PIA) — Isang tree planting and tree parenting activity sa barangay Banaoang West sa bayan ng Moncada ang naging simulaing aktibidad ng selebrasyon ng Cooperative Month sa Tarlac.
 
Ayon kay Provincial Cooperative and Enterprise Development Office o PCEDO Head Marvi dela Cruz, layunin ng taunang selebrasyon na kilalanin ang mahalagang papel ng mga kooperatiba sa paglago ng lalawigan at patuloy itong palakasin sa pamamagitan ng mga aktibidad na makakatulong hindi lamang sa mga miyembro kundi pati sa komunidad.
 
Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang “Cooperatives: Partners for Building Resilient and Empowered Communities towards Better and Stronger Philippines.”
 
Dagdag pa ni dela Cruz na patuloy ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa sektor ng kooperatiba sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programa kabilang ang libreng trainings at seminars, credit facilitation program, credit security fund at cooperative entrepreneurship.
 
Kabilang sa mga iba pang aktibidad na inilinya ng PCEDO ngayong buwan ang blood-letting, outreach, hygiene kit giving at Gawad Tarlakenyo awarding. (CLJD/CJVF-PIA 3)

READ:  Revised Fisheries Order strengthens ban on 'hulbut-hulbot'

Source: PIA Feed