Tagalog news: Huling galunggong sa Palawan, dumami sa ikalawang kuwarter ng 2018


 

Inilalahad ni Philippine Statistics Authority (PSA)-Palawan Officer in Charge Oscar Gatpandan ang  result ang kanilang monitoring sa dami ng huling isdang galunggong sa Palawan sa kasalukuyang taon at noong mga nakalipas. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)
Inilalahad ni Philippine Statistics Authority (PSA)-Palawan Officer in Charge Oscar Gatpandan ang  result ang kanilang monitoring sa dami ng huling isdang galunggong sa Palawan sa kasalukuyang taon at noong mga nakalipas. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

 

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 30 (PIA) — Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Palawan na mas maraming huling isdang galunggong sa lalawigan sa ikalawang kuwarter ng kasalukuyang taon, kumpara noong taong 2017 na umangat ng 1.10 porsiyento.

Sa tala ng PSA, 3,721.79 metriko tonelada (MT) ang huli sa lalawigan mula Abril-Hunyo ng 2018, habang pumalo lamang sa 3,681.43 MT sa parehong mga buwan noong nakalipas na taong 2017.

Sinabi ni Officer in Charge Oscar Gatpandan ng PSA sa isinagawang ‘Kapihan sa Philippine Information Agency (PIA)’ na batay sa kanilang pagsubaybay, may epekto rito ang ipinatupad na “closed season” ng galunggong sa lalawigan na ipinatupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

“Nakikita natin rito na naapektuhan sila noong 2017 ng closed season ng galunggong, tapos may maganda rin itong resulta ngayong taon dahil dumami ang huli sa commercial fishing (3 tonelada pataas ang huli), bagamat may bahagyang pagbaba naman sa municipal fishers natin, ito ‘yong nanghuhuli ng galunggong ng tatlong tonelada pababa,” paliwanag ni Gatpandan.

READ:  SM Cauayan City joins 120th Independence Day celeb; showcases PH’s arts and culture

Ang ‘closed season’ ng galunggong ay ipinatutupad ng BFAR mula unang araw ng Nobyembre hanggang ika-31 ng Enero. Sa nasabing mga petsa, ipinagbabawal munang manghuli ng galunggong ang komersiyal na mga maningisda sa nasasakupan ng hilagang-silangan ng Palawan upang hayaan munang dumami ang mga ito. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Source: PIA Feed