Tagalog News: Ikatlong Negosyo Serbisyo sa Barangay sa Pampanga, inilunsad ng DTI


Tinalakay ni Department of Trade and Industry Pampanga Business Development Division Chief Eileen Ocampo ang mga serbisyong may kaugnayan sa pagpaunlad ng negosyo sa paglulunsad ng Negosyo Serbisyo sa Barangay sa Moras dela Paz sa bayan ng Sto. Tomas. (Marie Joy S. Carbungco/PIA 3)

STO. TOMAS, Pampanga, Agosto 14 (PIA) — Inilunsad ng Department of Trade and Industry o DTI ang pangatlong Negosyo Serbisyo sa Barangay o NSB sa Pampanga sa Moras dela Paz sa bayan ng Sto. Tomas.

Ayon kay DTI Pampanga Provincial Director Elenita Ordonio, layunin ng programang lalong ilapit sa mga tao ang mga serbisyo ng pamahalaan at tulungan ang mga maliliit na negosyante o nais magkaroon ng negosyo na palaguin ito.

Layunin din aniya ng programang tignan kung ano ang mga posibleng produkto ng barangay at bigyang kaalaman ang mga opisyal ng barangay upang matulungan nila ang kanilang mga nasasakupan sa pagsisimula ng maliliit na hanapbuhay.

Tinalakay ng DTI ang kanilang mga serbisyong may kaugnayan sa pagpaunlad ng negosyo tulad ng mga pagsasanay, shared service facilities, pagdebelop ng mga produkto, financing at scholarship sa halos 120 kalahok na mga residente ng barangay.

Kasama sa mga ahensyang dumalo ang Department of Science and Technology, Small Business Corporation at Philippine Information Agency.

READ:  DOST releases RIMO food snacks   for Kalinga children 

 

Ang NSB ay isinasagawa ng DTI sa mga piling barangay sa mga munisipalidad na kabilang sa ika-4-hanggang ika-6 income class.

Nauna na itong inilunsad ng DTI sa dalawang barangay sa bayan ng Sta. Rita. (CLJD/MJSC-PIA 3)

Source: PIA Feed