Tagalog News: IPs sa Agusan del Sur nakiisa sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan at Naliyagan Festival

 

AGSAN DEL SUR, Hunyo 13 (PIA) – Nakiisa ang mga Indigenous Peoples (IPs) na nanggaling pa sa ibat-ibang bahagi ng probinsya ng Agusan del Sur sa selebrasyon ng ika-120th Kalayaan ng bansa, at sa pasimulang pagbubukas ng Naliyagan Festival 2018 na ginanap sa Datu Lipus Makapandong Cultural Center.

Bilang pasimulang aktibidad sa Naliyagan Festival, nagsagawa ang mga IPs ng isang ritwal ng pag-aalay para sa matiwasay at kagandahan ng pamumuhay sa probinsya ng agusan del sur at ito ay tinatawag nilang ‘Panawagtawag.’ 

Ayon kay Agusan del Sur Governor Adolph Edward Plaza, ang Naliyagan Festival ay taonang selebrasyon na nagsisimula sa Hunyo 12 hanggang 17 na puno ng makabuluhang aktibidad para sa mga Agusanons at Caraganons.

Dagdag pa ni Gov. Plaza, “The chosen one or the most loved” o pinakamamahal ang ipinahihiwatig ng Naliyagan Festival. Pinapakita nito ang kahalagahan ng mga IPs sa komunidad, maging ng kanilang ritwal, kultura at tradisyon, at mga produktong sila mismo ang gumawa.

READ:  BFP to recruit 100 fire officers

Ibinahagi naman ni Congresswoman Valentina Plaza ng unang distrito ng Agusan del Sur, na binibigyang halaga ng gobyerno ang kapakanan ng mga ips bilang suporta rin sa mandato ni President Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin naman ni Nilo Manpatilan, provincial IP focal person ng Agusan del Sur, na sinusuportahan nila ang gobyerno at umaasa silang patuloy din ang pagbibigay serbisyo nito sa kanilang sektor. Ang pagbibigay halaga naman sa kanilang mga karapatan bilang IP umano ang kanilang hiling mula sa publiko.

Samantala, sinabi naman ni Brigadier General Andres Centino, commander ng 401st brigade, Philippine Army, na may naka-deploy silang AFP personnel sa mga strategic areas ng probinsya upang masegurong payapa at ligtas ang mga dumadayo sa lugar para sa Naliyagan Festival. (JPG/PIA-Caraga) 

Source: PIA Feed