Tagalog News: Mga bagong aning palay, dumadagsa na sa mga pakiskisan sa Bocaue


 

Nagsagawa ng supresang inspeksyon sina National Food Authority Provincial Manager Elvira Obana (pangalawa mula kanan) at Department of Trade and Industry Provincial Director Zorina Aldana (kanan) sa mga pakiskisan ng Palay sa bayan ng Bocaue sa Bulacan. (Shane F. Velasco/PIA 3)

 

LUNGSOD NG MALOLOS, Setyembre 27 (PIA) — Aabot na sa kabuuang 200,000 kaban ng palay ang nakikiskis ng may 100 pakiskisan sa Intercity Complex ng Bocaue kada araw.

Iyan ang dinatnan ng National Food Authority o NFA at Department of Trade and Industry sa isinagawang surpresang pag-inspeksyon kasama ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Intercity Neighborhood Association President Eduardo Escalante, ang pagdagsa ng mga magpapakiskis ng palay ay patunay na may matatag na suplay na Bigas.

Nakakabili sila ng palay sa mga magsasaka sa halagang P30 kada kilo na depende sa uri, kapag nakiskis na at naisilid sa kaban ay may presyong P2,355- P2,400 piso. Kaya’t kapag ibinenta sa pamilihan ng kada kilo, aabot ng P48 piso ang halaga.

Paliwanag ni NFA Bulacan Provincial Manager Elvira Obana na dahil panahon na ng ikalawa o ikatlong anihan ng palay, inaasahang patuloy na dadagsa ang mga magbebenta ng palay.

READ:  Cebuano News: MisOr, top achiever sa kalsada program sa DILG

Sasabayan pa aniya ito ng NFA ng pagpapabaha ng murang inangkat na bigas sa merkado sa pamamagitan ng paparating na 120,000 kaban sa Bulacan.

Iba pa rito ang pag-apruba ng NFA sa minimum access volume o iyong pagpapahintulot sa mga pribadong magbibigas na mag-angkat. (CLJD/SFV-PIA 3)

Source: PIA Feed