Tagalog News: Mga kasalukuyang opisyal ng San Jose, panalo sa 2019 Midterm Elections


Muling uupong punong bayan si Mayor Romulo Festin (ikalawa mula kaliwa) at Vice
Mayor Rod Agas (pang-apat mula kaliwa) sa bayan ng San Jose, matapos manalo sa 2019
Midter Election. (Voltaire N. Dequina)

 

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Mayo 15 (PIA) — Panalo ang mga incumbent officials ng pamahalaang lokal ng bayang ito, sa ginanap na halalan kahapon.

Ayon kay Ricarte Aguilar, Vice Chairman ng Municipal Board of Canvassers, mananatiling punong  bayan ng San Jose si Mayor Romulo Festin na nakakuha ng 24,039 boto.

“Uupo pa ring ikalawang punong bayan, si Vice Mayor Roderick Agas na may 33, 822 na boto,” saad pa ni Aguilar.

Nanguna namang konsehal ng San Jose si Sonny Javier (28,089 boto), kasunod sina Junjun Malilay (25,279), Dr. Myrna Zapanta (23,9470), Joel Aguilar (24,380), Nathan Garcia (24,015), Bobot Chua (19841), Arnel Argame (19,333) at Mercy Alvaran (18,016).

 

“Nagpasiya na ang mamamayan, at kami’y nagagalak na muli kaming pinagtiwalaan,” mensahe ni Agas.

Aniya, naniniwala sila na  muling binigyan ng mandato ng mga mamamayan ang mga kasalukuyang opisyal dahil nakita ang uri ng kanilang paglilingkod.  Dagdag pa ng ikalawang punong bayan, sa panibagong termino ay ipagpapatuloy nila ang mga programa na may kaugnayan sa giyera kontra-droga, gayundin ang mga ordinansang tutugon sa usaping pangkabuhayan. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

READ:  DTI MisOcc conducts financing forum for MSMEs

 

Source: PIA Feed