Tagalog News: Mga maralitang pamilya sa Mimaropa, tutukuyin muli sa Listahanan


Larawan ng mga estudyante ng Western Philippines University sa Aborlan, Palawan noong 2017 kasagsagan ng Listahanan Provincial Roadshow. (Mula sa DSWD Mimaropa)

LUNGSOD QUEZON, ika-31 ng Mayo (PIA) —  Muling gagamitin ng Department of Social Welfare and Development-Mimaropa ang L3 (Listahanan 3rd Round Assessment) bilang behikulo sa pagbuo ng pinakahuling talaan ng mga maralitang pamilya sa rehiyon.

Nilalayon ng L3 na matukoy kung nasaan ang mga maralitang pamilya sa bansa: umabot sa 221,324 ang bilang ng mga mahihirap na pamilya sa Mimaropa sa ginanap na Listahanan assessment noong 2015.

Isang mekanismo ang Listahanan para matukoy ang mga maralita.  Ito ay isa sa mga sanggunian ng mga ahensiya ng pamahalaan para makabuo ng mga programang mag-aahon sa mga pamilya sa kahirapan.

Ngayong 2019, pen and pencil ang gagamiting paraan ng mga enumerator sa pagkikipagpanayam sa mga tinatarget na pamilya sa L3.

Obligado rin ang lahat ng benipisyaryo ng Sustainable Livelihood, Social Pension, at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magpa-interbyu sa L3.

Ayon kay Regional Coordinator Ernie H. Jarabejo, 186,616 na pamilya sa Oriental Mindoro ang kakapanayamin para sa L3; 95,122 sa Occidental Mindoro; 50,618 sa Marinduque; 65,436 sa Romblon; at 224,438 naman sa Palawan.

READ:  Popcom holds AHD Caravan in Butuan

May ipinanukalang P99 milyon na badyet para sa implementasyon ng L3 sa Mimaropa, . (LP/DSWD-Mimaropa)

 

 

 

Source: PIA Feed