Tagalog News: Mga miyembro ng CARD-MRI, tutulungan na maging miyembro ng SSS

TAGKAWAYAN, Quezon—Oktubre 10 (PIA)- Hinikayat at handang tulungan ng mga opisyal ng Center for Agriculture and Rural Development CARD), Inc.-Mutually Reinforcing Institutions (MRI) ang kanilang mga miyembro sa lalawigan ng Quezon at Camarines Sur partikular yaong mga hindi pa miyembro ng Social Security System (SSS)  na maging miyembro ng SSS.

Sa isinagawang “Lakbay –Aral for Media” ng CARD-MRI sa Tagkawayan, Quezon at  Camarines Sur  kamakailan, sinabi ni Flor Sarmiento  ng CARD-MRI sa pulong ng mga miyembro ng EMERALD- CARD sa Camarines Sur  na maaaring mag-loan ang mga miyembro sa CARD-MRI para mabayaran ang isang taong hulog sa SSS at maaaring bayaran aniya ito sa loob ng anim na buwan.

Ayon pa kay Sarmiento, layunin din ng kanilang tanggapan na maging miyembro ng SSS ang lahat ng miyembro ng CARD-MRI sa buong bansa.
Ang ‘Lakbay-Aral for Media” ay isinagawa ng CARD-MRI sa Tagkawayan, Quezon upang malaman ng mga mamamahayag  ang mga programa at serbisyo ng CARD-MRI.

READ:  Power source in Zambo seen to ease electricity woes - NGCP

Bukod sa micro-finance program o pagpapahiram ng puhunan  para gamitin sa negosyo, may iba pang mga programa rin ang CARD-MRI sa libong miyembro nito kagaya  ng pagsasagawa ng mga pagsasanay ukol  sa mga gawaing pangkabuhayan, medical mission, scholarship program  gayundin ang paghikayat pa sa mga miyembro ng CARD-MRI na  maging miyembro ng Social Security System  (SSS) upang makakuha ng mga benepisyo mula sa SSS. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)

Source: PIA Feed