Tagalog news: Mga opisyal ng SK Provincial Federation sa Romblon, pormal ng nanumpa

ODIONGAN, Romblon, Hunyo 13 (PIA) — Kasunod ng isinagawang halalan, agad ring nanumpa bilang pangulo ng Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Romblon si Daphne Robiso ng bayan ng San Fernando.

Walang naging katunggali si Robiso na nanakuha ng bilang na 17 boto mula sa mga kasamahan.

Sa panayam ng lokal namamamahayag, tiniyak niya na tutunguhin maging ang mga pinakamalalayong bayan sa lalawigan upang maging lugar ng mga pagpupulong ng SK.

Kasama rin sa kaniyang mga plano ang paglalatag ng mga pagsasanay para sa kapakanan ng mga kabataan sa kaniyang nasasakupan.

Si Robiso ay uupo bilang ex officio member ng Sangguniang Panlalawigan na siyang magsisilbing kinatawan ng mga kabataan sa kapulungan.

Samantala, Ang panunumpa ay pinangasiwaan ni Governor Eduardo Firmalo, kung saan kanyang hinamon ang mga bagong halal na maging front liner sa mga programa ng gobyerno lalo na sa pagpapatupad ng mgabatas. PJF/DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Source: PIA Feed

READ:  Cagayan de Oro Room Assignment: June 2018 Agriculturists Board Exam