Tagalog News: Mga pensyonado ng SSS maaari nang mag Pension Loan simula Setyembre

AGOO, La Union, Setyembre 16 (PIA) — May sulit na balitang hatid ng Social Security (SSS) sa kanilang mga pensioner.

Simula Setyembre 3 maaari nang i-avail ang Pension Loan na opisyal na hatid ng SSS. Ito ay ang lehitimong programang pautang sa kwalipikadong pensyonado sa SSS.  Ito ay bilang tugon sa hiling ng mga pensyonado na pinangungunahan ng Federation of Senior Citizen Association of the Philippines (FeSCAP).

Para sa Region 1, maari ng mag-sumite ng aplikasyon sa SSS Dagupan. Maaari namang hintayin ang Setyember 27 para makapag-avail ng Pension Loan sa SSS Agoo at SSS La Union.

Ayon kay Hazel B. Flores, corporate executive officer ng SSS Agoo, “Sakop sa programang ito ang lahat ng retiradong pensyonado na walumpung (80) taong gulang or pababa sa katapusan ng termino ng pautang, walang kasalukuyang loan na ibinbawas sa buwanang pension, walang paunang pension na natatanggap sa ilalim ng SSS Calamity Package, at tumatanggap ng regular na buwanang pension na hindi bababa sa anim na buwan at ang estado ng kanyang pension ay active.”

READ:  Tagalog News: Agrikultura, pangisda, para sa turismo, tututukan ng LGU-San Vicente

Layunin nito ang makabigay ng tulong-pinansyal sa mga retiradong pensyonado sa pamamagitan ng isang pautang na may mababang interes.

Aniya, ang programang ito ay makakatulong sa mga pensiyonado na lumalapit sa mga pribadong ahensyang nagpapautang na lubhang kay tataas ng interes o sa mas kilala sa tawag nating “loan sharks”.

Dadag pa ni Flores, “Ang pensioner ay maaring makahiram hanggang P 2,000 at maaring bayaran ito sa nakatakdang termino ng bayad mula  tatlo hanggang 12 buwan.

Pinag-aralan at pinaghandaan nang mabuti ang programang ito sapagkat ayon sa SSS, halos 1.2 milyong pensyonado ang makikinabang  na may alokasyong 10 billion pesos sa unang taon ng implimentasyon. (JNPD/MEGRP/PIA-1)

 

Source: PIA Feed