Tagalog News: MSME ng Bulacan, kinilala sa Likha ng Central Luzon


Kinilala ang Joyful Garden Organic Farmers Association Inc. mula sa bayan ng San Ildefonso bilang 2018 Top Seller Award ng Likha ng Central Luzon. (Vinson F. Concepcion/PIA 3)
 

LUNGSOD NG MALOLOS, Oktubre 7 (PIA) — Kinilala ang Joyful Garden Organic Farmers Association Inc. mula sa bayan ng San Ildefonso bilang 2018 Top Seller Award ng Likha ng Central Luzon o LCL.
 
Ipinagkaloob ng Department of Trade and Industry o DTI ang pagkilala sa pagbubukas ng katatapos na 2019 edisyon ng LCL na idinaos mula Oktubre 2-6 sa SM Megamall sa lungsod ng Mandaluyong.

Ayon kay DTI Bulacan Officer-In-Charge Ernani Dionisio, magandang lugar ang pagsali ng mga micro, small and medium enterprises sa LCL upang maipakita ang mga dekalidad nilang produkto at makahikayat ng mga potensyal na mamimili.
 
Bukod sa Joyful Garden Organic Farmers Association Inc., pinagkalooban din ng Likha Gems Award ang C & K Handicrafts at Green Product Award ang Pulilan Handicraft. (CLJD/VFC-PIA 3)

 

Source: PIA Feed

READ:  TOP 10 PASSERS: February 2019 Occupational Therapist (OT) Board Exam Result