Tagalog News: Naga City Peace and Order Council inatasang agarang buuin ang POPS

LUNGSOD NG NAGA, Hulyo 19 (PIA) – – Hinikayat ni Alkalde Nelson S. Legacion ng lungsd ng Naga ang mga miyembron ng Naga City Peace and Order Council (NCPOC) na maisumite kaagad ang Peace and Order and Public Safety Planning (POPS Plan 2020-2022) upang maging batayan ng magigingn programa ng NCPOC.

Ayon kay Legacion, na sya ring umuupong Chairman ng NCPOC, ang POPS Plan ay syang magiging batayan ng POC sa pagbuo ng mga programa at aktibidad tungkol sa peace and order at public safety sa loob ng tatlong taon.

Ang pagbuo nito ay alinsunod sa Memorandum Circular 2015-128 ng Department of Interior and Local Government (DILG). Nakapalaman dito ang Peace & Order and Public Safety situation, challenges, mga polisiya, programa, proyekto, ibat ibang serbisyo, funding requirements at iba pang pamamaraan sa pagpapatupad ng plano.

Batay sa inisyal na ginawang plano ng NCPOC, isa sa hamon at isyu na dapat bigyan pansin ng NCPO ay ang problema sa trapiko , theft at robbery, illegal na droga, sakit na tubercoulosis at HIV, karagdagang fire hydrants at iba pang isyu para sa kaligtasan ng publiko, pagsagot sa emerhensiya, social protection, environment, kalusugan at iba pa.

READ:  Feature: Claudy steps up for Brgy. Datu

Kaugnay ng inaugural meeting ng NCPOC noong Hulyo 17 na ginanap sa JMR Museum, Civic Center, Taal Ave., Naga City tinalakay din ang pagpili na magiging miyembro ng People’s Law Enforcement Board (PLEB), resulta sa ginawang simultaneous earthquake drill noong Hunyo sa mga unibersidad at colehiyo sa Naga City.

Dumalo sa unang pagtitipon ng POC sina Bise-alkalde Cecilia B.Veluz-De Asis na bagong vice-chairman ng NCPOC, City Councilor Joselito del Rosario, chairman, SP Committee on Peace & Order at mga kinatawan mula sa lokal at nasyonal na gobyerno. (dabad,PIA5/Camarines Sur)

 

Source: PIA Feed