Tagalog news: Pagdining ng mga kaso isinasagawa na sa RTC Branch 165

 

PUERTO PRINCESA, Palawan, Hulyo 13 (PIA) — Isinasagawa na ang mga pagdinig ng kaso sa bagong sangay ng Kagawaran ng Katarungan sa bayan ng Brooke’s Point simula ng ito ay buksan noong Hunyo.

 

Ang sangay ng Kagawaran ng Katarungan ay ang Regional Trial Court Branch 165 na itinayo sa Government Center sa Bgy. Tubtub, Brooke’s Point, Palawan.

 

“We are making history. Our persistence paid off. A dream is about to come true that is to bring justice closer to the people of Brooke’s Point,” pahayag ni Mayor Maryjean D. Feliciano sa inagurasyon nito.

 

Sa pagbukas ng nasabing korte, dinidinig dito ang mga kaso ng mga residente ng nasabing bayan maging ang kaso ng mga residente sa kalapit na munisipyo nito tulad ng Balabac, Bataraza, Quezon, Rizal at Sofronio Española.

 

Inihayag pa ni Mayor Feliciano na sa pamamagitan ng RTC Branch 165 ay matutulungan nito na mabawasan ang bulto ng mga kaso sa Regional Trial Court Branches sa lungsod ng Puerto Princesa at mas mapapabilis ang paglilitis ng mga kaso. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

READ:  Social protection catches up with Borongan poor

 

Source: PIA Feed