Tagalog news: Pagiging masigasig ng PNP-Puerto Princesa kontra-droga, kinilala ng LGU


 

Seremonya sa pagsisimula ng programa kaugnay ng selebrasyon ng Puerto Princesa City Police Office sa ll7th Police Anniversary. (Larawan mula sa Tandikan (Puerto Princesa City) Police Community Relations (PCR) Official Facebook page)
Seremonya sa pagsisimula ng programa kaugnay ng selebrasyon ng Puerto Princesa City Police Office sa ll7th Police Anniversary. (Larawan mula sa Tandikan (Puerto Princesa City) Police Community Relations (PCR) Official Facebook page)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 30 (PIA) — Ginawaran ng pagkilala ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa ang City Police Office (CPO) matapos ang magkasunod na taong nakatanggap ng parangal bilang “Best Drug Enforcement Unit” sa buong rehiyong Mimaropa.

Sa ‘flag raising ceremony’ noong Lunes, iniabot ni Mayor Lucilo Bayron kay Police Senior Inspector Ronnie Francis Cariaga, direktor ng PPCPO ang plake ng pagkilala para sa City Drug Enforcement Unit (CDEU) nito.

Ayon sa punong lungsod, nararapat lamang na bigyan ng pagkilala ang magandang result ang gawain ng mga tagapagpatupad ng batas sapagkat malaki ang naiaambag nito sa pagpapanatili ng mapayapang pamayanan.

Samantala, kasunod nito, nangako naman ang si Cariaga na mas lalo pa nilang palalakasin ang kanilang operasyon at kampnya kontra sa ipinagbabawal na gamot.

Hangad din ng pamunuan ng pulisya sa lungsod na mai-deklarang ‘drug-cleared’ ang buong siyudad sa pamamagitan ng unti-unting pagsugpo ng droga sa bawat barangay. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

READ:  PCOO USEC Badoy turns-over Government Satellite Network in E. Samar

Source: PIA Feed