Tagalog News: Palawan kinilala ng DOH bilang modelo ng community-based recovery program


 

“Sa MIMAROPA mayroon na tayong ‘best practice’ ng community-based recovery program, ‘yong Community Enhancement Livelihood Program (CELP) for drug surrenderees ng Provincial Government ng Palawan’, ito ang inihayag ni Dr. Vilma V. Diez, DOH-MIMAROPA, Assistant Regional Director. (Larawan ni Orlan C. Jabagat)
Inilatag ng Department of Health (DOH)-Mimaropa sa press conference ang iba’t-ibang best practices sa pagpapatupad ng community-based recovery program para sa mga drug surenderee. (Larawan ni Orlan C. Jabagat)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 27 (PIA) — Kinilala ng Department of Health (DOH)-Mimaropa bilang modelo sa pagpapatupad ng community-based recovery program sa buong rehiyon ang Community Enhancement Livelihood Program (CELP) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan para sa mga drug surrenderee.

Inihayag ito ni Dr. Ma. Vilma V. Diez, DOH-Mimaropa Assistant Regional Director sa isinagawang press conference kaugnay ng Health Summit 2018 sa lungsod kamakailan kung saan inilatag dito ang mga best practices ng mga probinsiyang nagpatupad ng mga programa para sa kanilang mga drug surenderees.

Ani Dr. Diez, ang CELP ng Palawan ang isa sa best practices na nakita ng DOH-Mimaropa at ng Development Academy of the Philippines (DAP), na kanila namang inihalimbawa sa mga Provincial Health Officers na dumalo sa Health Summit para sa isasagawang malawakang community based recovery program.

“Sa MIMAROPA mayroon na tayong ‘best practice’ ng community-based recovery program, ‘yong Community Enhancement Livelihood Program (CELP) for drug surrenderees ng Provincial Government ng Palawan’, ito ang inihayag ni Dr. Vilma V. Diez, DOH-MIMAROPA, Assistant Regional Director. (Larawan ni Orlan C. Jabagat)
Ayon kay Dr. Vilma V. Diez (gitna) ng DOH-Mimaropa, ang Community Enhancement Livelihood Program (CELP) for drug surrenderees ng Provincial Government ng Palawan ang maituturing na ‘best practice’ ng community-based recovery program sa rehiyon ng Mimaropa.  (Larawan ni Orlan C. Jabagat)

 

Ang CELP ay 16 linggo na recovery program sa pamamagitan ng moral, spiritual counselling, physical training, livelihood  at mga lectures para sa drug surrenderees kaugnay ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).

READ:  Tagalog News: San Jose Nat’l High School, nanguna sa Municipal School Press Conference

Layon nito na mapanumbalik ang positibong pananaw sa buhay ng mga drug surrenderee at maging kapaki-pakinabang na miyembro ng komunidad.

Naipatupad na ang CELP sa mga munisipyo ng San Vicente , Roxas , Araceli, El Nido, Cuyo, Kalayaan, Aborlan , Rizal at Brooke’s Point.

Samantala ang recovery clinic naman na ipinatayo at nagseserbisyo na sa mga drug surenderee ang best practice ng Oriental Mindoro.

Isinagawa sa lungsod ang Health Summit 2018 na may temang: ‘Services to the Community: A Road to Recovery’. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Source: PIA Feed