Tagalog News: PDRRMC-Cam Sur, inabisuhan ang mga LGUs na maghanda dahil sa bagyong Ompong

LUNGSOD NG NAGA, Set. 13 (PIA)  – – Maagang pinahahanda ang mga alkalde na nasasakupan ng lalawigan ng Camarines Sur pati na rin ang mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Councils (MDRRMC) na maging alerto dahil sa bagyong Ompong.

Kahapon pinangunahan ni Bise Gobernador Fortunato C. Peña ang pulong ng mga miyembro ng Provincal Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at  mga City/Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer kaugnay ng paghanda sa paparating na kalamidad. Ito ay ginanap sa Villa Del Rey Function Hall, Capitol Complex, Pili, Camarines Sur.

Sa kasalukuyan ang probinsiya ng Camarines Sur ay nasa Tropical Cyclone Warning Signal No.1 at suspendido ang klase. Batay rin sa Memorandum No.3 na inilabas  kahapon, Set. 12, suspendido ang klase sa lahat na antas, pribado man ito o pam-publikong paaralan sa buong lalawigan ngayong araw, petsa 13.

Ipinaalala sa publiko na maging alerto at sumunod sa mga payo ng lokal Disaster Risk Reduction and Management officials upang maging ligtas at panatag.

READ:  Duterte confers 'Order of Lapu-Lapu Kampilan' to MID Marawi heroes

Kailangan din na subaybayan ang mga balita ukol sa panahon, humanda sa paglikas, suriin at kumpunihin ang bahay kung mahina ito, ihanda ang mga pangangailangan ng pamilya gaya ng pagkain, inumin tubig at iba pang bagay na magagamit sakaling may bagyo. (dabad-PIAV/Camarines Sur)

Source: PIA Feed