Tagalog News: PIA-DOE Puppet Roadshow para sa E-Power Mo Campaign, isinagawa sa Calapan


Ang mga mag-aaral ng Adriatico Memorial School ng lungsod ng Calapan ay masayang nanonood sa ginagawang pagsayaw ni ‘Islaw Kalabaw’ sa isang pagtatanghal na bahagi ng Puppet Road Show ng PIA Mimaropa na isinagawa sa Adriatico Gynnasium noong ika-7 ng Nobyembre 2018.  (Kuhang larawan ni Mark C. Maliksi/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Nob. 9 (PIA) – Tinanghal ang huling serye ng Puppet Road Show para sa “E-Power Mo Campaign” sa MIMAROPA sa lungsod ng Calapan.

Ang Puppet Road Show ay bahagi ng isinasagawang adbokasiya tungkol sa pagtitipid ng kuryente ng Philippine Information Agency (PIA) – Mimaropa at DOE Department of Energy (DOE). 

Ang pagtatanghal ay unang isinagawa sa sa Oriental Mindoro National High School (OMNHS), kung saan mahigit-kumulang 500 mag-aaral mula sa Grades 7, 8 at 12 ang inimbitahang manood at makilahok sa programa. 

Sa pamamagitan ng puppet presentation at pagpapalabas ng infomercials, hinikayat ang mga kabataang mag-aaral na magtipid ng kuryente lalo na sa paggamit ng iba’t ibang kasangkapan tulad ng plantsa, refrigerator, electric fan at mga air conditioner.  Dito ay nagpakita ng aktibong pakikilahok ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungang may kaugnayan sa paggamit ng kuryente.

READ:  DAR distributes CLOA to Caraga farmers

Maliban sa OMNHS, ang parehong presentasyon ay isinagawa din Adriatico Memorial School na nilahukan naman ng humigit-kumulang sa 300 mag-aaral mula sa Grade 6 ng nabanggit na paaralan.  .

Ang Puppet Show ng PIA ay isang istratehiya upang makuha ang atensyon ng mga batang mag-aaral na maikintal sa kanilang mga kaisipan ang mga programa ng gobyerno na pakikinabangan ng mga mamamayan. 

Ang OMNHS ay pinamumunuan ni Principal IV Dr. Nimrod Bantigue at ang Adriatico Memorial School naman ay pinamumunuan ni Principal IV Aloha Abes.  (LTC/PIA-OrMin)

 

Source: PIA Feed