Tagalog News: PNP Police Assistance Desks, nakapwesto na sa mga sementeryo

LUNGSOD NG NAGA, Okt. 30 (PIA) — Ilang araw bago ang undas ay nakapwesto na ang Police Assistance Desks na itinalaga ng Philippine National Police (PNP) sa mga sementeryo ditto sa lungsod.

Sa mga naturang desks ay nakalagay ang mga pinamimigay na mga impormasyon tungkol sa pagpaalala sa mga taong papasok sa naturang lugar.

Dito sa Naga City Public Cemetery na matatagpuan sa Brgy. Concepcion Pequeña, Maharlika Highway, Naga City inilagay na ang Police Assistance Desk na siyang gagabay sa mga taong bibisita sa kanilang mga namayapang mga kaanak ngayong undas.

Samantala, ang Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) sa pamamagitan ni Police Community Relations (PCR) Chief P/Supt. Venerando Ramirez ay nagpahayag na halos apatnapung (40) na mga public cemetery sa buong Lalawigan ng Camarines Sur ang binabantayan ng mga kapulisan simula ngayong araw hanggang sa Nob. 2.

Sa ngayon ay nakahanda na ang mga ibat ibang Municipal Police Stations (MPS) sa pagpapanatili ng seguridad at paglalagay ng mga Police Assistance Desk sa bawat sementeryo upang maging maiayos at magabayan ang mga dadalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay.

READ:  BJMP upholds humane safekeeping, torture prevention

Sinabi ni Ramirez na magiging katulong ng PNP  ang mga tuhan ng Philippine Army sa pagbabantay sa mga matataong lugar ngayong  Undas matiyak na magiging  mapayapa ang pagdaraos ng naturang okasyon.

Siniguro din ng CSPPO na sapat ang mga kapulisan para mabantayan ang mga sementeryo at maging maayos ang trapiko sa naturang mga lugar.(LSM,dabad-PIA5/Camarines Sur)

Source: PIA Feed