Tagalog News: PPUR ferry services may karagdagang life vests at hard hats


 

 

Ang mga bagong life vest para sa Puerto Princesa Underground River (PPUR) Park Ferry Services. (Photo from PASU Beth Maclang)
Caption: Ang mga bagong life vest para sa Puerto Princesa Underground River (PPUR) Park Ferry Services. (Photo from PASU Beth Maclang)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 27 (PIA) — Dumating na ang karagdagang life vests at hard hats para sa Puerto Princesa Underground River (PPUR) Park Ferry Services.

Ayon kay PPUR Park Superintendent Elizabeth Maclang, dumating na kamakailan ang nasa 300 life vests at 500 hard hats na magagamit ng mga turista sa kanilang pagbisita sa PPUR.

Ani Maclang, taun-taon ay naglalaan ito ng 1,000 piraso ng live vests at hard hats upang mapalitan ang mga luma at sira-sira ng kagamitan ng mga bangkero.

“Ngayong taon,nakakita kami ng magandang klase, medyo may kamahalan pero sa tingin ko magtatagal ito ng mahigit isang taon’, pahayag ni Maclang.

Ipapamahagi aniya ito sa mga bangkero na magdadala ng mga turista at ito na rin ang gagamitin ng mga turista mula sa daungan ng mga bangka sa Sitio Sabang patungong Underground River.

Ang mga bangkero na rin ang naatasang magmantini at responsible sa pangangalaga ng nasabing kagamitan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

READ:  Poor families not so keen on family planning - POPCOM

Source: PIA Feed