Tagalog news: Regulasyon sa paggamit ng plastik, isinusulong sa Puerto Princesa


Nagpupulong ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod hinggil sa ilang panukala na kanilang inihain sa regular na sesyon bago ito muling talakayin sa plenaryo. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)
Nagpupulong ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod hinggil sa ilang panukala na kanilang inihain sa regular na sesyon bago ito muling talakayin sa plenaryo. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

 

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 27 (PIA) —Ilang magkakahiwalay na panukalang ordinansa na nagbabawal, kumokontrol sa paggamit at pagtatapon ng plastik ang tinatalakay ngayon sa komite ng sanitation and solid waste management ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa.

Isa rito ay ang ordinansa na naglalayong maisa-ayos ang patakaran sa paggamit ng plastik o mga ‘non-biodegradable’ maging ang pagtatapon dito matapos gamitin, na ang pangunahing pinagtutuunan ay ang mga establisyementog pang negosyo sa lungsod.

Sa ginanap na pagdinig sa komite kung saan naimbitahan ang mga may-ari at namamahala ng mga restaurant, mall at malalaking tindahan, naging bukas sila sa mabubuong mga patakaran.

Nagmungkahi rin ang mga ito na bumuo ng pamamaraan para sa maayos na sistema ng koleksiyon ng mga nagamit nang plastik pero maaari pang gamitin.

 Naghain rin ng panukalang ordinansa si acting Vice Mayor Nancy Socrates na naglalayong makabuo ng regulasyon sa paggamit ng ‘plastic bags’ sa mga barangay na nakakasakop sa Puerto Prinesa Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP).

READ:  Bongat delivers State of the City Report

Partikular na nakasaad sa panukala ang mga barangay ng Cabayugan, Tagabinet, Marufinas at New Panggangan.

Bukod dito, isa pang ordinansa ang inihain ni Konsehal Jimmy Carbonell na nagbabawal sa paggamit ng plastik na bag maging ng styrofoam kung pagsisidlan lamang ng mga dry goods, at maging maayos ang paggamit nito sa mga wet goods.

Ayon kay Konsehal Nesario Awat, bagamat may magkakaibang bersiyon ng panukalang ordinansang inihain sa plenaryo, may halos iisang hangarin ang paghahain nito, ang magkaroon ng regulasyon sa paggamit ng plastik, kung kaya pag-aaralan pa sa komite kung mas makabubuting pagsama-samahin na lamang ang mga ito. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Source: PIA Feed