Tagalog News: Romblon Prov'l Gov't magbibigay ng 50K sa 98-99 ang edad


 

Inihayag ni Governor Eduardo Firmalo sa kanyang ‘Ulat sa Lalawigan’ na makakatangap ng P50,000 mula sa Romblon Provincial Government ang mga nakatatandang Romblomanon kapag sumapit na sa edad na 98-99.(Larawan ni Roberto Madera/PIO-Romblon Provincial Government)

ODIONGAN, Romblon, Setyembre 28 (PIA) — Inanunsiyo ni Governor Eduardo C. Firmalo sa kanyang ‘Ulat sa Lalawigan’ na ginanap sa Odiongan, ang pamahalaang panlalawigan ay magbibigay ng P50,000 sa mga nakatatandang may edad 98- 99 taong gulang. 

Hindi na aniya kailangan pang mag-antay ang mga senior citizen na dumating sa edad na isandaan (100) para makatanggap ng insentibo mula sa pamahalaan.

Matatandaang ipinatutupad na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamimigay ng P100,000 na incentive sa mga senior citizen na aabot sa edad 100 bilang kanilang one-time Centenarian Gift, alinsunod sa Republic Act 10868 or Centenarians Act of 2016.

Ang PSWDO sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office ang magsasagawa ng assessment at balidasyon para matukoy ang mga senior citizen sa iba’t ibang munisipyo na kwalipikado para sa programang ito.

Pangunahing prayoridad sa programang ito ang mga mahihirap o indigent senior citizens na nanghihina na, sakitin, may kapansanan at walang natatanggap na pension o permanenteng pinagkukunan ng kita o suporta sa miyembro ng pamilya.(PJF/DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

READ:  Cebuano News: SSS miawhag sa mga may wala na kabayri nga huwam: apply sa LRP  

Source: PIA Feed