Tagalog News: San Manuel, inihalal ang kauna-unahang babaeng alkalde


NANGUNA SI JUANA. Iprinoklama ng Municipal Board of Canvassers si kasalukuyang Bise Alkalde Donya Tesoro bilang bagong Alkalde ng munisipalidad ng San Manuel. Siya ang kauna-unahang babae at pinakabata, sa edad na 27 gulang, na uupo sa naturang pwesto. (San Manuel LGU)
 

SAN MANUEL, Tarlac, Mayo 22 (PIA) — Nahalal si kasalukuyang Bise Alkalde Donya Tesoro bilang bagong Alkalde ng munisipalidad ng San Manuel.
 
Siya ang kauna-unahang babae at pinakabata, sa edad na 27 taong gulang, na uupo sa naturang pwesto.
 
Kanyang papalitan ang amang si Bening Tesoro na nahalal naman bilang Bise Alkalde.
 
Ayon kay Tesoro, magiging prayoridad niya ang edukasyon, kalusugan, kabuhayan, kapayapaan at seguridad.
 
Sa edukasyon, magpapatuloy ang pagtatatag ng mga integrated schoolspara sa mga estudyanteng nasa Senior High School upang masupil ang mataas na drop-out rateat matugunan ang kakulangan sa libreng paaralan ng munisipalidad.
 
Gayundin ang pagkakaloob ng oportunidad sa mga kabataan na makapasok sa kolehiyo at magkaroon ng magandang kinabukasan.
 
Sa kalusugan, magpapatuloy ang paglalapit o pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan bilang parte ng pagtugon sa pangunahing pangangailangan ng mga San Manuelenyo.
 
Sa kabuhayan, isusulong niya ang micro enterprise development bilang ang bayan ng San Manuel ay maituturing na agricultural townkung saan 90 porsyento ng mga mamamayan ay umaasa sa pagsasaka.
 
Sa kapayapaan at seguridad, sinabi ni Tesoro na suportado niya ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa iligal na droga.
 
Bukod kay Tesoro, limang iba pang kababaihan ang nahalal na alkalde sa iba pang bahagi ng Tarlac. Ito ay sina Cristy Angeles ng lungsod ng Tarlac, Julie Icmat ng Mayantoc, Estelita Aquino ng Moncada, Elma Macadamia ng San Clemente at Nora Modomo ng Sta. Ignacia. (CLJD/CJVF-PIA 3)
 

READ:  NPA loses 21 supporters in latest mass surrender in Compostela Valley

Source: PIA Feed