Tagalog News: Southern Palawan Medical School planong itayo sa bayan ng Brooke’s Point


Ipinanukala ni Palawan 2nd District Board Member Eduardo Modesto V. Rodriguez (nakatayo sa kanan) ang planong pagtatayo ng Southern Palawan Medical School na inaprubahan naman ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan kamakailan. (Larawan ni Orlan C. Jabagat)
Ipinanukala ni Palawan 2nd District Board Member Eduardo Modesto V. Rodriguez (nakatayo sa kanan) ang planong pagtatayo ng Southern Palawan Medical School, na inaprubahan naman ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan kamakailan. (Larawan ni Orlan C. Jabagat)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 27 (PIA) — Aprubado na sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan kamakailan ang panukalang pagtatayo ng paaralang pang-medisina sa lalawigan na tatawaging Southern Palawan Medical School.

Ang nasabing resolusyon ay iniakda ni 2nd District Board Member Eduardo Modesto V. Rodriguez na humuhiling kay Gobernador Jose Ch. Alvarez na mapag-aralan at mapondohan ang pagtatayo ng nasabing paaralang pang-medisina.

Plano itong itayo sa bayan ng Brooke’s Point sa pakikipagtulungan ng Palawan State University (PSU).

Ayon kay Board Member Rodriguez, tugon ito sa pangangailangan ng doktor ng dumaraming ospital na nabuksan at bubuksan pa ng Pamalahaang Panlalawigan ng Palawan sa iba’t-ibang munisipyo sa lalawigan, gayundin ng mga pribadong ospital.

Sa kasalukuyan aniya ay napaka-importante nitong panukalang ito dahil mayroon pa tayong sampung ospital na ipinapatayo ng pamahalaang panlalawigan. Kailangan natin ng maraming doctor sa mga susunod na mga taon kapag nabuksan ang mga ospital na nabanggit.

Malaki rin ang maitutulong nito, ani Rodriquez, sa pagpapababa ng gastusin ng mga estudyanteng Palawenyo na kumukuha ng kursong medisina sa labas ng Palawan.

READ:  SSS offers loan restructuring to past-due accounts of members

“Napakagandang balita ito, talagang kailangan natin ito para matugunan ang pangangailangan ng mga doctor sa ating probinsiya lalo na sa mga isla at malalayong bayan at gayundin matupad ang mga pangarap ng mga mahihirap na bata na gusting mag-aral ng medisina”, pahayag naman ni Brooke’s Point Mayor Maryjean D. Feliciano. (OCJ/PIA-MIMAROPA/Palawan)

Source: PIA Feed