Tagalog news: Trough ng LPA, makakaapekto sa Mimaropa at iba pang karatig rehiyon.


LPA. Makikita si DOST-pagasa Senior Weather Specialist Chris Perez na ipinapaliwanag kung paano maaapektuhan ng LPA ang Mimaropa at iba pang kalapit na rehiyon. (Ang larawan ay isang video grab mula sa DOST Pagasa)

LUNGSOD QUEZON, Setyembre 1 (PIA) — Binabantayan ng DOST-Pagasa at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang low pressure area (LPA) at isang bagyong na sa silangang bahagi ng dagat Pasipiko.

Ayon kay Chris Perez ng DOST-Pagasa, makakaapekto kahit paano ang trough o extension ng LPA hindi lang sa Kabisayaan kundi sa ilang bahagi ng Gitna at Katimugan Luzon.

Ang trough o extension ng LPA ay kinakatawan ng makapal na ulap sa mapa na ipinakita ni Perez sa kanyang forecast kaninang umaga.

Kaninang ika-3 ng umaga, namataan ng DOST Pagasa ang LPA sa layong 200 kilometro hilaga-hilagang-silangan ng Borongan, Eastern Samar.

Sa araw ito, sinabi ni Perez na ang Mimaropa, kasama ang Metro Manila, Gitnang Luzon, Calabarzon at kabikulan, ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Samantala sinabi ni Perez na hindi naman nila inaasahang papasok sa  Philippine Area of Responsibilty ang Bagyong Jebi na huling namataan sa layong 1,945 kilometro silangan ng Hilangang Luzon kaninang ika-3 ng umaga. (LP/DOST-Pagasa)

READ:  BFP-CAR fetes fire safety advocacy partners

Source: PIA Feed