Tagalog News: Walang naitalang biktima ng paputok sa Romblon ngayong 2019 — DOH


Ipinagmalaki ni Ralph Falculan ng DOH – Romblon na walang naitalang kaso o biktima ng paputok sa buong lalawigan noong kapaskuhan at bagong taon. (Larawan ni Dinnes Manzo/PIA-Romblon)

ODIONGAN, Romblon, Enero 3 (PIA) — Ikinatuwa ng pamunuan ng Department of Health (DOH) – Romblon Provincial Office na walang naitalang biktima ng paputok sa buong lalawigan ng Romblon kaugnay ng pagdiriwang at pagsalubong ng Bagong Taon ngayong 2019.

Sinabi ni Ralph Falculan, Public Health Nurse ng DOH Romblon, na naging positibo ang puspusang kampanya ng DOH, Provincial Health Office, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang line agencies laban sa anumang klase ng mga paputok at pagpapaalala sa publiko upang maiwasan ang aksidente o disgrasyang idudulot nito gayundin ang masamang epekto nito sa kalusugan ng tao.

Mangilan-ngilan lamang aniya ang nagpaputok ngayong taon dahil sa maulan noong kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay may isang naging biktima ng paputok sa bayan ng Romblon, Romblon.

Ayon naman sa pamunuan ng Romblon Police Provincial Office, wala ring napaulat na nagpaputok ng baril (stray bullet) o tinamaan ng ligaw na bala sa panahon ng kapaskuhan at Bagong Taon.  (DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

READ:  PDEA and NBI in CamSur cites accomplishments in drug war

Source: PIA Feed